Filipinos are used to believe in PAMAHIIN or SUPERSTITIONS. Kanina habang nasa wake ng dad ng isang friend medyo napagusapan ang tungkol sa mga pamahiin kapag may namatay na kamag-anak. Syempre sa panahon ngayon may mga naniniwala pa rin dito (elderly, strongly believe in superstitions), meron naman hindi na. Ang mga sumusunod na pamahiin ang napagusapan namin kanina. Nalaman ko lang din ito sa friend kong namatayan a year ago. I don’t have enough explanations for the following superstitions, na share lang din ito sa akin.
- Bawal matulog ang members ng family habang nakaburol ang relative na namatay.
Bakit? Kasi gigisingin daw ng namatay, kung paano hindi ko alam pero sabi nagpaparamdam daw yung namatay. Katulad nalang sa nangyari sa friend ko nakatulog silang lahat isa sa kanila parang hinahatak daw yung paa or in other cases parang may kumakalabit. Sabi dapat palitan ang nagbabantay at kelangan may isang gising talaga.
2. Bawal maligo sa bahay kung doon man nakaburol yung namatay.
Hindi ako sigurado kung bakit pero hindi daw pwede. Kung maliligo kelangan sa ibang bahay kasi masama kung dun sa mismong bahay kung doon man nakaburol ang namatay.
3. Hindi pwede pumunta sa burol kung may period ang isang babae.
Nagulat din ako na may ganitong pamahiin, sabi nila lalo daw lalansa yung menstruation kapag pumunta habang may period. Scientific explanations? Hindi ko alam kung bakit.
4. Bawal maghatid yung member ng family ng namatayan.
Yung halimbawa bumisita yung mga kaibigan, hindi pwede maghatid, di ko rin alam kung bakit.
5. Bawal mag-uwi ng food mula sa lamay.
Kasi masama daw yun. Kung bakit hindi po ako ulit sigurado. As well as bawal may matirang food sa lamay or bago mailibing yung namatay. Kelangan ubos.
6. Kelangan “magpagpag” bago umuwi.
Para sa mga nakiramay kailangan daw magpagpag muna bago diretso umuwi. Magpagpag in the sense na pupunta ka muna sa isang lugar bago ka tuluyang umuwi sa bahay.
Ayan yung ilan sa mga pamahiing napagusapan kanina. Syempre marami pa yan at ang mga MAS nakakaalam tungkol diyan ay ang mga matatanda.
No comments:
Post a Comment