Isa sa mga bagay na hirap akong gawin ay ang maghanap ng tamang sapatos para sa mga paa kong malalaki. RF: Size 10 ang paa ko, minsan okay na ako sa size 9 pero masikip na yun so para sigurado 10 ang lagi kong binibili. Ayun kanina naikot na namin halos lahat ng bilihan ng sandals/ flats para lang may masuot ako dahil ngumangawa na mga sandals ko dito sa bahay. Unfortunately wala akong makitang mura na size 10 meron mang mura small sizes lang at may mga size 10 nga 350+ ang presyo so no choice, napamahal man ako ng bili ganon talaga :|
So habang naghahanap ng sapatos, pilit na inererelate sa akin ni Arcell ang paghahanap ng sapatos. Inirerelate niya sa lovelife ko.
Arcell: Alam mo Lois, pag bibili ka ng sapatos dapat lagi mo hinahanap yung kaparehas di pwedeng mag-isa lang palagi, kung susukatin mo hingin mo yung kasamaMe: ……….——————————————————————————Arcell: Ano ba yan wala na tayong mahanap na kasya sayo.Me: hay!Arcell: Kasi naman eh, ang paghahanap natin ng sapatos mo parang katulad ng lovelife mo. Hirap ka maghanap ng sapatos, hirap ka din maghanap ng lovelife mo.Me: ………………..
Ang supportive na kaibigan! Lahat nalang mula fishball, pabango at sapatos inirerelate sa zero lovelife ko. Alam ko naman eh. Hintay-hintay lang kayo ha!
Habang nasa Mcdo kami kanina…
Arcell: (tumingala sa taas) Lord kelan niyo po ba ipaparanas kay Lois ang pag-ibig?Me: Matagal pa, wag ka excited.Em: Ano na nangyari sa mga lalaki mo?Me: lalaki? WALA NAMAN EH!Arcell: Ayun may mga girlets na!
Ang sakit haha! leche lang. Natanong ko tuloy sila ano ba naiidudulot ng pagiging single ko sa kanila kasi matagal na nila ipinapanalangin na sana daw magka-lovelife ako. Magpapaparty pa nga daw sila pag nagka BF ako. Ewan ko, siguro ako yung kontrabida sa mga lovelife nila, well di naman talaga kontrabida yung tipong nega lang minsan pero alam naman nilang suportado ko sila sa mg lovelife nila.
No comments:
Post a Comment