Sinubukan kong puntahan ang blogspot.com eto nagtuloy-tuloy na ako. Ewan, nangangapa pa lamang ako sa mundo dito. Sanay kasi ako sa TUMBLR. Sa totoo lang pang-apat ko ng blog account ito nagkaroon din ako ng LIVEJOURNAL, MULTIPLY at TUMBLR. New world? Eto siguro ang kailangan ko kaysa mag-deactivate ako sa TUMBLR. Deactivation? Oo naisip ko na rin yan lalo sa TUMBLR. Magulo sa mundo ng TUMBLR. Ang simpleng isyu lumalaki,bakit lumalaki? may mga nagpapalaki. Konti nalang din magiging social networking site na ang TUMBLR, nagkakaroon na ito ng features na tulad sa FACEBOOK.
Pagboblog? Bakit ko nga ba ginagawa ito? Hindi naman ako palasulat na tao, pero nahook ako sa pag-boblog sa nakalipas na mga buwan. Masaya dahil maraming tao akong nakakasalamuha yung una aakalain mong di mo makakausap o malamang nakasalubong mo sa kung saan, mga taong common friend din pala ng mga kaibigan mo, mga taong naging parte ng nakaraan mo na nakasalamuha mo ulit dahil sa mga blogging sites. Aaminin ko nag-boom ang social life ko dahil sa TUMBLR. Marami akong nakilala at naging kaibigan yun siguro ang di ko pagsisishan sa paggawa ng blogging account. Kumbaga sa isang business bentang benta yung tinda ko yung tipong walang off-season laging peak season.
Kaya sa halip na i-deactivate ko yung tumblr ko baka ito muna ang pansamantalang solusyon. Ilillipat ko din dito ang mga post ko para kung sakaling tuluyan ko na ang HEARTFLUTTER eh maibabalik ko pa rin ang mga magaganda kong pinost (kung meron man)
No comments:
Post a Comment