Monday, June 27, 2011

HOSPITAL AREAS

Ililista ko yung areas sa hospital with the skills required (hindi lahat ng skills ililista ko isa o tatlo lang)
EMERGENCY ROOM
Skills required: Mabilis kumilos, good assessment skills at Basic Life Support- CPR
  • Eto ang area kung saan ika nga nila “every second counts.” Dahil ang madalas na mga pasyente dito ay nangangailangan ng agarang atensyon thus it is called the EMERGENCY ROOM. Ang mga pasyente dito madalas ay mga na-aksidente, buntis, inatake sa puso, na-stroke, nakagat ng aso, dengue patients, sumakit ang tiyan (diarrhea or food poisoning) at marami pang iba. Once na-stabilize na sila sa ER saka palang sila papauwiin or i-aadmit depende sa sitwasyon nila dyan na pumapasok ang iba’t ibang ward at rooms sa hospital.
OPERATING ROOM
Skills required: Knowledgeable of the instruments, marunong magbilang, sterile priciples.
  • Kung sa ER ang assessment ng ROD ay kelangan operahan ang pasyente pwedeng i-akyat na yan sa OR or pwede i-admit muna sa ward at saka ipaschedule ang operation. Sa or kelangan kabisado mo ang instruemnts at kelangan marunong ka mag-anticipate sa needs ng doctor. Marunong magbilang dahil bibilangin mo ang OS, needles at instruments. Walang dapat makalampas sa bilang at paningin mo habang operation dahil pag may naiwan hello court case then byebye lisensya if found guilty. Sterile priciples, since bukas ang katawan madali magkaroon ng infection. To prevent infection/sepsis sterile principles are needed.
DELIVERY ROOM
Skills required: OB principles at sterile principles.
  • Pag may sinugod na buntis na manganganak or nakunan sa ER i-aakyat yan sa DR pag nagawan na ng chart at nakapag-hook na ng IV. Sa DR mag-aassist lang sa delivery ng baby/placneta. I-momonitor yung status ng mother at syempre ni baby. Sterile principles is still important.
ICU
Skills required: good assessment skills.
  • Normally, ang mga patient dito ay kelangan ng intensive care, mas mahigpit pagdating sa sterility at one on one kayo ng patient. Lahat ng progress niya or problems na makikita during the shift kelangan charted.
WARD
  • Sa ward may iba’t iba tayong areas. Depende sa patient na i-cacater nito. It may be divided into Male or Female. Skills required: general depending sa ward.
  1. Medicine Ward- Ang mga pasyente dito from ER ay madalas yung mga na-stroke, Myocardial Infarction patients, Cardiac Arrest patients at DM patients.
  2. Pedia Ward- Pedia means children so lahat ng bata dito sa ward na ito, they’ll be divided pa depende sa case nila kung respiratory ang problema magkakasama sila kung gastro magkakasama din.
  3. OB Ward- Manganganak at mga nanganak na dito sa ward na ito. Amoy LOCHIA dito kaya medyo dapat matibay ang pang-amoy niyo. 
  4. Surgery Ward- lahat ng galing sa OR dito mapupunta. Yung mga nag-undergo ng operation dito sa ward na ito, so wound care is needed.
  5. General Ward- lahat mapa-anong case pwede ilagay dito, pwede sila ipagsamsama.

BUHAY PAG-IBIG NG MGA NURSES

Sabi nila ang NURSE daw ay acronym para sa Nurses are UsuallyReserved for Successful Engineers. Totoo? most of the time oo. Ilan sa mga CI ko ang kanilang better half ay mga Engineers. Hindi ko alam kung anong meron sa mga Engineers at sila ang madalas na nanalo sa puso ng mga nurses. Makapaghanap na nga ng Engineer ng malaman ko ang sagot. Pero siyempre hindi rin naman nagpapatalo ang mga kapwa nurses. May mga CI din ako na ang better half nila ay nurse din. Dito naman same interest brought them together. Kumbaga kapag nagkwento yung isa makakarelate siya dahil alam niya kung ano yung sinasabi ng partner niya. Syempre napaguusapan na rin naman ang same field which is medicine may mga nurses din na maswerteng nakakabingwit ng isang Doctor. Katulad ng CI ko dati sa OR hubby pala niya yung anesthesiologist kala namin nagkataon lang na magka-apelyido sila yun pala mag-asawa sila.
Ang ENGINEERS, NURSES at DOCTORS ang top 3 profession na nakakatuluyan ng mga Female Nurses. Highest percentage para sa akin kung i-rarank ko ang 3 profession na yan depending on the frequency ng mga nakaktuluyan ng mga female nurses, it will still be the Engineers. Maraming nurses na engineer ang boyfriend or asawa. Ewan ko kung bakit, kelangan ko maghanap ng ENGINEER para malaman ko :))) Sa Male Nurses naman hindi ko alam kung ano ang mga profession ng mga nakakatuluyan nila pero definitely isa na dun eh kapwa profession lang din NURSES din.

Conspiracy

Hindi ako sigurado kung CONSPIRACY nga bang matatawag yung nagawa namin nung college kami kasi we were able to remove a professor from our college (I’m not sure if “remove” is the right term for it). Our batch was always tagged the “PASAWAY” batch why? because our batch defied some of the university’s rules and regulation.
He’s a professor in our college. No doubt for his skills and knowledge about nursing he was admired for it. Lahat ng major subjects hawak niya, even our subjects nung 1st year palang kami. Masasabi kong inalagaan niya ang batch namin. Marami siyang naituro at kung anu-ano pa na kelangan talaga namin sa Nursing. Pero kahit siya defied some rules especially when it comes passing his students. I won’t elaborate it because it’s a sensitive topic pero dun siya natira ng mga students that stood against him.
Kung susumahin sa amin nung kasama ko nagsimula ang gulo. Bakit? kasi nagkakagulo na sa buong college and we decided to approach him and told him some informations. Nakarating sa president and to squeeze out more information nasabihan kami na pwedeng ma-expel. Di ko alam kung paraan yun para sabihin pa yung ibang info pero worst feeling ever. Yung feeling na muntik ako ma-expel ayun, First I was afraid for myself and second sa parents ko. Muntik na ako ma-expel kasi kung di namin sasabihin yung ibang info kami ang ma-eexpel and yes expulsion yung sinabi sa aming punishment. 
Sa totoo lang mahirap ma-involve sa ganitong klaseng isyu. Mixed emotions you know you’re fighting for something which is the RIGHT thing pero consequences are there. Mahirap mag-risk expecially kung education mo ang nakasalalay. Para kaming bumangga sa isang pader dahil bago pa kami pumasok dun isa na siya sa pillars ng college namin and yet we stood against him. After he left madami nagbago, una iba naging tingin sa batch namin. MAraming clinical instructors ang ayaw na kaming hawakan dahil pasaway kami at dahil sa nangyari.
Things definitely changed after he left. The college system changed and they of course strongly implemented new rules to prevent that same incident to happen again. Inimpose nila yung CHANNEL OF COMMUNICATION and they’re strict about it.

PAMAHIIN

Filipinos are used to believe in PAMAHIIN or SUPERSTITIONS. Kanina habang nasa wake ng dad ng isang friend medyo napagusapan ang tungkol sa mga pamahiin kapag may namatay na kamag-anak. Syempre sa panahon ngayon may mga naniniwala pa rin dito (elderly, strongly believe in superstitions), meron naman hindi na. Ang mga sumusunod na pamahiin ang napagusapan namin kanina. Nalaman ko lang din ito sa friend kong namatayan a year ago. I don’t have enough explanations for the following superstitions, na share lang din ito sa akin.
  1. Bawal matulog ang members ng family habang nakaburol ang relative na namatay.
Bakit? Kasi gigisingin daw ng namatay, kung paano hindi ko alam pero sabi nagpaparamdam daw yung namatay. Katulad nalang sa nangyari sa friend ko nakatulog silang lahat isa sa kanila parang hinahatak daw yung paa or in other cases parang may kumakalabit. Sabi dapat palitan ang nagbabantay at kelangan may isang gising talaga.
   2.  Bawal maligo sa bahay kung doon man nakaburol yung namatay.
Hindi ako sigurado kung bakit pero hindi daw pwede. Kung maliligo kelangan sa ibang bahay kasi masama kung dun sa mismong bahay kung doon man nakaburol ang namatay.
   3.  Hindi pwede pumunta sa burol kung may period ang isang babae.
Nagulat din ako na may ganitong pamahiin, sabi nila lalo daw lalansa yung menstruation kapag pumunta habang may period. Scientific explanations? Hindi ko alam kung bakit.
   4.  Bawal maghatid yung member ng family ng namatayan.
Yung halimbawa bumisita yung mga kaibigan, hindi pwede maghatid, di ko rin alam kung bakit.
   5.  Bawal mag-uwi ng food mula sa lamay. 
Kasi masama daw yun. Kung bakit hindi po ako ulit sigurado. As well as bawal may matirang food sa lamay or bago mailibing yung namatay. Kelangan ubos.
   6. Kelangan “magpagpag” bago umuwi.
Para sa mga nakiramay kailangan daw magpagpag muna bago diretso umuwi. Magpagpag in the sense na pupunta ka muna sa isang lugar bago ka tuluyang umuwi sa bahay.
Ayan yung ilan sa mga pamahiing napagusapan kanina. Syempre marami pa yan at ang mga MAS nakakaalam tungkol diyan ay ang mga matatanda.

PAYONG HATID SERVICE

Kanina habang papunta ng office at dahil maulan buong araw nagulat ako sa manong na kasabay ko sa pagbaba ng overpass. May dala siyang payong at may sinasabi siya: “PAYONG HATID” Akala ko nagbibiro lang siya dahil nga maulan, at akala ko rin nagsasalita siya mag-isa hindi pala yun pala ang kabuhayan niya sa ganitong klase ng panahon. So habang pababa kami ng overpass may nakita siyang babae na nakatayo lang at walang payong at inalok niya ng payong hatid? Hinatid niya yung babae hanggang sa waiting shed sa SM MEGAMALL. Hindi ko na napansin kung maglano binigay sa kanya pero sigurado meron dahil kahit paano pinagkakakitaan yun. Barya man o kahit magkano, ganyan dumiskarte ang mga pinoy. Meron at merong mapagkakakitaan sa kahit anong panahon.
Kaya ko rin siya nakasabay sa overpass ay dahil may hinatid siya gamit ang kanyang PAYONG.

Kwentong Bus: GENTLEMAN edition

Isa syempre sa normal na transportasyon dito sa Pilipinas ay ang bus. Syempre nasasakyan ko ito papuntang trabaho. Sumuko na kasi ako sa MRT kapag papasok ng office, malala pa sa sardinas ang feeling pag nasa MRT. Kahit matrapik sa EDSA okay lang sa akin mag bus kesa magsumiksik ako sa MRT. 
Isang beses habang nasa bus ako, ewan di naman ako nagmamadali pero hindi na ako naghintay pa ng ibang bus at sumakay na ako sa bus na iyon. Pagsakay ko puno as in may mga nakatayo pa at lahat kalalakihan. Ako lang ang babae na nakatayo. Walang ni-isang lalaki ang nagpaupo sa akin. Mukha na daw pala kasi akong lalaki. LOLJK
Yun yung araw na nasabi ko sa sarili ko na naubos ata bigla ang GENTLEMAN. Oo GENTLEMAN, kung paano niyo man sila i-define nasa inyo na yun basta nung araw na yun ang kahulugan sa akin ng salitang GENTLEMAN ay ang lalaking magpapaupo/ ibibigay ang kanyang inuupuan sa babae kapag nakita niyang nakatayo lamang ito sa bus/LRT/MRT. Wala siguro nung may nagbabaan na sa Ortigas dun nalang ako nakaupo ang saya lang kasi 5 mins away nalang yun sa bababaan ko. Sana nga hindi pa ubos ang mga gentleman, sana nga walang kundisyon ang pagtulong ng isang lalaki sa isang babae. Kasi habang lumilipas ang panahon may nagiging dahilan na ang mga lalaki para maging gentleman. Nakukulangan na sa pagkukusa ang ilan sa mga lalaki.
PS: di ko nilalahat ang mga kalalakihan, sabihin na natin na yung mga lalaki lang sa bus na yun ang di mga gentleman. Inuulit ko DI KO NILALAHAT ang mga kalalakihan at HINDI AKO NAG-SSTEREOTYPE. Nasa inyo pa rin naman yun kung magpapaka-gentleman kayo or kung gentleman talaga kayo.

Malaking Paa

Isa sa mga bagay na hirap akong gawin ay ang maghanap ng tamang sapatos para sa mga paa kong malalaki. RF: Size 10 ang paa ko, minsan okay na ako sa size 9 pero masikip na yun so para sigurado 10 ang lagi kong binibili. Ayun kanina naikot na namin halos lahat ng bilihan ng sandals/ flats para lang may masuot ako dahil ngumangawa na mga sandals ko dito sa bahay. Unfortunately wala akong makitang mura na size 10 meron mang mura small sizes lang at may mga size 10 nga 350+ ang presyo so no choice, napamahal man ako ng bili ganon talaga :|
So habang naghahanap ng sapatos, pilit na inererelate sa akin ni Arcell ang paghahanap ng sapatos. Inirerelate niya sa lovelife ko.
Arcell: Alam mo Lois, pag bibili ka ng sapatos dapat lagi mo hinahanap yung kaparehas di pwedeng mag-isa lang palagi, kung susukatin mo hingin mo yung kasama
Me: ……….
——————————————————————————
Arcell: Ano ba yan wala na tayong mahanap na kasya sayo.
Me: hay!
Arcell: Kasi naman eh, ang paghahanap natin ng sapatos mo parang katulad ng lovelife mo. Hirap ka maghanap ng sapatos, hirap ka din maghanap ng lovelife mo.
Me: ………………..
Ang supportive na kaibigan! Lahat nalang mula fishball, pabango at sapatos inirerelate sa zero lovelife ko. Alam ko naman eh. Hintay-hintay lang kayo ha!
Habang nasa Mcdo kami kanina…
Arcell: (tumingala sa taas) Lord kelan niyo po ba ipaparanas kay Lois ang pag-ibig?
Me: Matagal pa, wag ka excited.
Em: Ano na nangyari sa mga lalaki mo?
Me: lalaki? WALA NAMAN EH!
Arcell: Ayun may mga girlets na!
Ang sakit haha! leche lang. Natanong ko tuloy sila ano ba naiidudulot ng pagiging single ko sa kanila kasi matagal na nila ipinapanalangin na sana daw magka-lovelife ako. Magpapaparty pa nga daw sila pag nagka BF ako. Ewan ko, siguro ako yung kontrabida sa mga lovelife nila, well di naman talaga kontrabida yung tipong nega lang minsan pero alam naman nilang suportado ko sila sa mg lovelife nila.

Ano ang feeling ng umiyak sa jeep?

Eh di nakakahiya. First time kong umiyak sa jeep. Nataon pang may sipon ako ngayon kaya tinititigan talaga ako ng katabi ko at katapat sa jeep kapag napapasinghot ako. Nakakahiya nagtakip ako ng mukha habang binabasa yung mga text ng mga kaibigan ko sa akin. Iniisip siguro ng mga kasakay ko sa jeep nakipag-break ako sa boyfriend ko kaso hindi naman yun ang dahilan (dahil wala naman ho akong boyfriend. please lang sana yun nalang naging dahilan hahah). Well ang dahilan ay ang di ko pagpasa sa demo ko. Naboblog ko naman dito na nag-ttraining ako as English teacher at yung last step para ma on-board ako or sa madaling salita yung matanggap ako sa trabaho ay sumemplang yung demo ko ayon sa mga evaluator naming Koreana.
Basta, mukha akong ewan sa bus mula Ortigas hanggang Cubao nakatulala lang ako, iniisip na sana magawan pa ng paraan kasi last step na daw yun baka mai-apela pa (I’m keeping my hopes up, still keeping it up). Pagdating sa jeep okay naman na ako nung bigla lang may nagtanong kelan start ng work ko, tumulo talaga luha ko. Tapos nagtext na ako sa pocky, nagreply sila at ayun na naluha na ako sa jeep lalo nung nagtext si Liam, naiyak talaga ako habang nasa biyahe.
Masakit? Oo naman, pangalawang beses na kasi ito at sobrang hinahanda ko na ang sarili ko sa magiging trabaho ko kasi yung company na mismo nagsabi na ma-oon-board ako this week (talking about false reassurance..err..:|) ayun so ready na ako yung demo na lang talaga kanina, buut ayun finail nila ako. Una ang comment nila is I speak too fast so I practiced and I managed to speak slowly while maintaining my accent. My trainer is listening as I do the class kaya laking taka talaga nila na finail ako. Ngayon, kahit sinasabi ng ilan na better luck next time, may iba pa ring opportunities para sa akin, yes I believe maraming opportunities but I don’t want to be hypocrite by saying na okay ako coz I’m not okay and the only thing that can make me okay is the revision of their decision. Pinagdarasal ko pa din na sana magawan nila ng paraan.

UTANG NA LOOB AT RESPONSIBILIDAD SA PAMILYA

Ang mga Pinoy kilala dahil sa “close family ties”. Kilala tayo na malapit sa pamilya at ang totoo family oriented ang mga Pilipino. Inuuna lagi ang pamilya bago ang lahat. Siyempre magandang pag-uugali yun para sa mga Pinoy, isang halimbawa na nito ay ang pagbabalik ng utang na loob ng isang anak sa kanyang mga magulang. Alam naman natin na kinaugalian na nating mga Pinoy ang magbigay kahit paano sa mga magulang natin kapag halimbawang nagka- trabaho na tayong mga anak. Sa ganoong paraan nasusuklian natin ang mga paghihirap ng mga magulang natin sa ating mga anak matapos nila tayong palakihin ng maayos. 
Pero responsibilidad ba talaga nating mga anak na magbalik/ magbigay sa mga magulang natin kung sakaling dumating na ang panahon na magkatrabaho/ umasenso tayo?
Ayon sa Professor ko nung college hindi natin responsibilidad na tayong mga anak ay magbalik ng kahit ano sa ating magulang. Bakit? Dahil responsibilidad nila tayo, responsibilidad ng mga magulang na ibigay lahat ng pangangailangan nating mga anak nila. Responsibilidad nilang palakihin ang kanilang anak ng maayos para pagdating ng panahon na bubuo na ito ng sarili niyang pamilya magagawa nito ng maayos ang responsibilidad niya para sa mga anak niya.
Ang matututo tayong mga anak mula sa ating mga magulang na maging responsableng tao, mamamayan at maging responsableng magulang sa mga magiging anak natin ang pinaka magandang pagbabalik ng utang na loob sa ating magulang. Hindi tuluyang madadaan sa mga materyal na bagay ang utang loob na utang natin sa ating mga magulang dahil una responsibilidad talagang nilang palakihin tayo ng maayos at responsibilidad nilang ibigay lahat ng pangangailangan ng kanilang pamilya at dahil ito sa iisang kadahilanan ang napagdesisyunan nilang bumuo ng isang pamilya.
Ngayon hindi ko sinasabi na huwag na kayong magbigay ng materyal na bagay sa ating mga magulang o tumulong sa kanila kahit paano. Ang post na ito ay hindi palusot para hindi na tayo magpasalamat sa kanila.Hindi ito dahilan para sabihin natin na “hindi pala ako dapat nagbibigay sa inyo eh, kasi responsibilidad niyo ako” HINDI YUN GANON. Matuto pa din tayong magpasalamat sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila. Nakasanyan naman na din nating mga Pilipino ang magbigay kahit paano at tumulong sa ating pamilya. Hindi na yan mawawala sa kultura at tradisyon natin. Sa kahit anong paraan niyo pa gustong magpasalamat sa mga magulang niyo ayos lang pero pinakamabuting magagawa natin para masuklian ang kanilang paghihirap ay ang makita nilang nakapagpalaki sila ng mga RESPONSABLENG TAO na kalaunan ay magiging RESPONSABLENG MAGULANG para sa mga anak nila.

Saturday, June 25, 2011

BUHAY

Ano nga ba ang buhay. Sabi nga ng ilan "Life is what we make it." Kung ano ang ginagawa natin yun ang buhay natin, tayo ang humahawak sa sarili nating buhay. Kumbaga sa istorya ng isang ibon at ng isang bata kasama ang kanyang lolo, nung hawakan ng bata ang ibon at pinahulaan niya ito sa kanyang lolo nasa kanya ang buhay ng ibon kung hihigpitan niya ang hawak malamang mamamatay ang ibon kung luluwagan niya mabubuhay ito. Nasa atin kung ano ang maggiging buhay natin.

Ako bilang isang student nurse nakita ko kung paano magsimula ang isang buhay at kung paano ito matapos. Nakita ko kung paano lumabas ang isang bagong buhay mula sa kanyang ina na inalagaan siya ng siyam na buwan sa tiyan nito. Alam naman nating lahat na ang pagbubuntis at pagbuo ng buhay ay isang mabigat na responsibilidad para sa isang ina o magiging ina pa lamang. Kung paano hahawakan ng bagong buhay na yun ang buhay niya depende yun sa kung anong klaseng pagpapalaki ang gagawin ng mga magulang niya sa kanya. Mula doon matututo siya kung paano hawakan at palakarin ang sarili niyang buhay.

Nakita ko kung paano matapos ang isang buhay maaring naaksidente sila, inatake sa puso, may malubhang sakit o di kaya naman ay namatay sa matahimik na paraan. Kung ano man ang nagawa/nakamit maski ang kanilang mga naging pagkakamali nung buhay pa sila, sila na lamang ang nakakaalam noon, Kung paano nila pinalakad ang buhay nila naging mabuti o masamang tao man sila. nakatulong man o hindi sila sa kanilang kapwa, sila ang nakakaalam.

Kaya kung buhay ka pa pag-isip-ispian mo kung paano palalakarin ng maayos ang buhay mo. Maging produktibo ka hanggat maari dahil ang buhay isa lang yan.

Clinical Instructor/ Lecturer


that’s my dream, to be a clinical instructor-slash- lecturer. I want to work for my Alma Mater. I want to teach students to be responsible with their duties as a nurse. I want to be a part of their learning. I want to impart my knowledge. I know, I still have to face many obstacles to reach that goal but I’m determined to serve my future students and future patients. I want them to be inspired in their field and eventually inspire  others because as far as I’m aware taking up nursing now a days is not the will of their heart to serve, maybe their is a little will but we have different reasons why we took up nursing and I respect that but I must say NURSING is one of the most REWARDING and FULFILLING work one would sign up for. :)

Nag-iipon ako pero hindi ko alam kung ano pinag-iipunan ko.

Hindi ko rin alam kung bakit may mga panahon na todo tipid ako kahit may pera naman akong pang-gastos. Gustong-gusto ko mag-ipon pero hindi ko naman alam or di ako sigurado kung ano pinag-iipunan ko. Kaya nga madalas naiinis sa akin mga kaibigan ko kasi minsan may nakikita akong gusto kong bilhin pero pinipili ko nalang na wag bilhin dahil mahal or kahit may pera akong pambili pakiramdam ko panghihinayangan ko lang na pagkagastusan. Kahit sa pagkain ganyan ako, sinasabi ko lang sa kanila na busog ako kahit gutom na talaga ako at may pera.
Sabi nga nila hindi naman daw masama pagkagastusan ang pagkain kaya lang di talaga ako ganon kung makakauwi rin naman ako agad after eh di sa bahay nalang ako kakain kesa ibili ko pa ng pagkain sa labas na mahal. Natitiis ko namang magutom eh (pero may pagkakataon talaga na hindi ko rin matiis, so bibili lang ako ng mailalaman sa tiyan). Yung ipambibili ko kasi naiipon ko pa pero di ko naman alam kung ano pinag-iipunan ko.
Ngayon may target na akong pag-ipunan at totoo na talaga ito so tipid-tipid na talaga ito.

Bagong mundo

Sinubukan kong puntahan ang blogspot.com eto nagtuloy-tuloy na ako. Ewan, nangangapa pa lamang ako sa mundo dito. Sanay kasi ako sa  TUMBLR. Sa totoo lang pang-apat ko ng blog account ito nagkaroon din ako ng LIVEJOURNAL, MULTIPLY at TUMBLR. New world? Eto siguro ang kailangan ko kaysa mag-deactivate ako sa TUMBLR. Deactivation? Oo naisip ko na rin yan lalo sa TUMBLR. Magulo sa mundo ng TUMBLR. Ang simpleng isyu lumalaki,bakit lumalaki? may mga nagpapalaki. Konti nalang din magiging social networking site na ang TUMBLR, nagkakaroon na ito ng features na tulad sa FACEBOOK.

Pagboblog? Bakit ko nga ba ginagawa ito? Hindi naman ako palasulat na tao, pero nahook ako sa pag-boblog sa nakalipas na mga buwan. Masaya dahil maraming tao akong nakakasalamuha yung una aakalain mong di mo makakausap o malamang nakasalubong mo sa kung saan, mga taong common friend din pala ng mga kaibigan mo, mga taong naging parte ng nakaraan mo na nakasalamuha mo ulit dahil sa mga blogging sites. Aaminin ko nag-boom ang social life ko dahil sa TUMBLR. Marami akong nakilala at naging kaibigan yun siguro ang di ko pagsisishan sa paggawa ng blogging account. Kumbaga sa isang business bentang benta yung tinda ko yung tipong walang off-season laging peak season.

Kaya sa halip na i-deactivate ko yung tumblr ko baka ito muna ang pansamantalang solusyon. Ilillipat ko din dito ang mga post ko para kung sakaling tuluyan ko na ang HEARTFLUTTER eh maibabalik ko pa rin ang mga magaganda kong pinost (kung meron man)

Hindi ako maganda

Foreword: Hindi ako nagpapaawa or whatsoever. This is what I view myself also I’m not blaming anyone for me to feel this way about myself. I’m not also trying to be humble or again whatsoever.
I know I have blogged regarding this matter before but I’m blogging about it again. I grew up na hindi ako sinasabihan ng maganda. Kaya kung sasabihan niyo o ipagpipilitan niyo (parang di niyo rin naman ipagpipilitan) na maganda ako wag nalang. Tanggap ko na kasi, tagal na bata pa lang ako. Mababa ang self-esteem? You could say that na mababa ang self-esteem ko at I’m not blaming anyone for that sabi ko nga kasi tanggap ko naman. Kahit naman kasi dito sa bahay namin or even sa mga relatives ko my sisters are prettier than me that’s a fact. Tanggap ko rin na nasasabihan lang akong maganda dahil naayusan ako.
Ako kasi yung tao na maganda lang pag naayusan other than that yung normal kong ayos sa sarili ay wala lang. Dahil nga lumaki ako na hindi nasasabihang maganda, hindi na talaga ako nag-effort na ayusin pa ang sarili ko when it comes to pagpapaganda. Loose powder okay na ako, suklay ng buhok okay na yan sa akin. Lagi pa ako napapagalitan dati na di marunong mag-ayos ng sarili kasi para sa akin para saaan pa at mag-aayos ako ganon lang din naman kakalabasan.
Overtime, especially nung nag-college na ako kung saan mas nakakita ako ng mga classmates na ayos na ayos nahawa ako sa kanila, nagsimula sa simpleng pressed powder tapos lipgloss yun lang pag nagblush on ako feeling ko OA na kaya di ako nag-ganon. Kinailangan na din mag-ayos dahil kami ang nurse hindi kami pasyente eh ako pa naman sa sobrang dami ng ginagawa at inaangkin ko lahat ng trabaho eh nagmumukha akong pasyente. Ngayon simple pa din ako mag-ayos powder at lipstick okay na ako. Pero dahil mahilig ko i-stress ang sarili ko wala pa rin masyado nangyayare. Hindi ko rin alam bakit ako hirap mag-delegate ng tasks sa ibang tao kaya ang ending ako ang mukhang stressed palagi sila ang gaganda nila.
Kaya pag sinsabihan ako na maganda ako, di talaga ako naniniwala. Pasensya na pero matagal ko na atang tinanggap sa sarili ko na hindi ako maganda sa panlabas kong anyo. Hindi rin ako nagpapahumble sadyang tanggap ko lang, pero salamat pa din kung ganon tingin niyo. Di man ako maganda sa mukha sigurado ako maganda naman pag-uugali yun lang siguro advantage ko.