Wednesday, July 6, 2011

You-who-must-not-be-named

Kagabi sa tumblr ginawan kita ng post. Langya ka, napakadalas mo kasi sa isip ko nitong mga nakaraang araw. Ewan ko ba sayo at bakit mo naisipan na dito tumambay. Ang dami-dami mong pwedeng pagtambayan dito pa.

Naiinis ako na natutuwa. naiinis kasi di ka dapat andito, naiinis kasi di pwede yun. Para na kitang kuya ano ka ba naman. Saka nakakainis dahil alam ko sa sarili ko na baka ako nga lang talaga ang nag-iisip sayo sa pagitan nating dalawa Sino ba naman ako para isipin mo di ba? Random person lang naman akong nakita at nakilala mo. Hindi naman tayo close or whatsoever di ba? Ganitong ganito ang naramdaman ko kay "bushing" pero lamang ka kasi mas nagkikita tayo kesa kay "bushing" ayu.

Natutuwa kasi ang saya lang na may tumatakbo na namang tao sa isip ko kahit alam kong wala lang ako para sa taong yun. Masaya na akong may iniisip ako, iniisip man din niya ako o hindi. May pagka masokista lang din talaga ako minsan. Ayun basta ayokong pangalanan kita. Code name mo na simula ngayon ang code name ni Voldemort.

Pero gusto ko talaga makabasa ng article tungkol dun. Yung pag naisip mo nga daw bigla ang isang tao eh iniisip ka din daw nito. Gusto ko ng facts tungkol dito hindi yung bastang sabi-sabi lang. Totoo nga kaya kasi kung totoo yun malaki ang posibilidad na naiisip mo rin ako.

Ikakain ko na muna ito gutom na ako eh.

No comments:

Post a Comment